Latest News

LIVE FIRE EXERCISE SA DAGAT; BALIKATAN 2023, NAKATUON SA MARITIME DEFENSE

MULING nilinaw ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines na ang nakatakdang pinakamalaking joint war drill sa pagitan ng United States at Pilipinas ay walang pinatutungkulan bansa.

Naka pokus ngayon ang gaganaping RP-US Balikatan 2023 sa maritime defense, coastal defense, at maritime domain awareness sa gitna ng umiinit na isyu freedom of Navigation sa South China Sea at tumitinding usapin hinggil sa overlapping claims sa ilang teritoryo sa nasabing karagatan kasama ang West Philippine Sea na may mga teritoryong pinag aagawan din.

Nabatid na sa kauna unahang pagkakataon ay magsasagawa ng live fire exercise sa dagat ang pinagsanib na pwersa ng Amerika at Pilipinas sa karagatang sakop ng Zambales bukod pa sa mga coastal defense exercises


Ang RP-US Balikatan 2023 iteration ay itinuturing ngayon na pinakamalaking joint military exercise na taunang pinamumunuan ng Armed Forces of the Philippines kasama ang US Armed Forces bukod pa sa mga sasaling allied countries na magsisilbing mga observers.

Kinumpirma ni Col. Michael Logico, tagapagsalita ng Balikatan 2023, na hindi katulad noong nakaraan, ang ilang mga aktibidad ngayong taon ay gaganapin sa labas ng mga tradisyonal na training areas.

Sa panahon ng live fire exercise sa karagatan, papuputukan at palulubugin ng mga tropang Pilipino at Amerikano ang isang target na sasakyang-pandagat .

“Balikatans in the past were held inside military camps, but now we are venturing outside our traditional training areas. The reason is, in CERAB and Fort Magsaysay, it’s a landlocked training area. What you can only exercise there are the land and air components. There’s nothing you can do with the Navy,” ani Logico.


“We are going to fire at a target. We have a target vessel that the US procured for this purpose. The HIMARS, our artillery will not be firing into open water, but to a target.

Magugunitang una ng inihayag ni Philippine Army chief Lt. Gen. Romeo Brawner Jr., na mas maraming tropa ng Pilipinas at Amerika ang inaasahang makikilahok ngayon sa gaganaping bilateral wae exercises.

Sa ngayon ay pinaplantsa pa nila ang pinal na bilang ng mga sundalong makikiisa sa gaganaping war game ngunit sinasabing posibleng umabot ito sa 12 libong sundalo mula sa US Armed Forces at 5 libo naman mula sa AFP.

There will also be observers from Japan, South Korea, ASEAN, the United Kingdom, France, and India, ani Logico


Ang mga nakalatag na pagsasanay ay kabibilangan ng iba’t-ibang aktibidad na tutuon hindi lamang sa pagpapalakas pa ng fighting capabilities ng mga sundalo, kundi pati na rin sa mga non-traditional roles tulad ng humanitarian assistance at disaster response.

US Armed Forces will be bringing in military assets, including weapon systems, ships and aircraft, The US will bring in their HIMARS, Patriot missiles, Avengers, M29s.

While the AFP will be using its newly-acquired frigates, FA-50 jets and artillery in the Balikatan.“On the AFP side, our 105mm Howitzers, 155mm Howitzers, two of our Navy ships, frigates and our FA-50s, together with the Super Tucanos and Black Hawk helicopters, pahayag pa ni Logico.

“The exercises will involve a myriad of activities, not just focused on developing war-fighting capabilities, but also non-traditional roles such as humanitarian assistance and disaster response (HADR),” ani Philippine Army chief Lt. Gen. Romeo Brawner Jr.

Layunin nito na ihanda ang hukbo ng dalawang bansa sa lahat ng uri ng panganib na maaari nitong kaharapin sa hinaharap mapa-man made o natural threats man ang mga ito. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)

Tags:

You May Also Like

Most Read

Menu