Latest News

Leptospirosis, tumaas sa apat na rehiyon

Naobserbahan ng Department of Health (DOH) , ang pagtaas ng mga kaso ng leptospirosis sa ilang lugar sa Region II, Region VIII, Cordillera Administrative Region, at sa National Capital Region(NCR).

Ayon sa datos ng DOH, may 631 kaso ng leptospirosis ang naitala mula Enero 1 hanggang -Mayo 7 at ito ay mas mataas ng 6% kumpara sa kaparehas na panahon noong 2021.


“Tag-ulan na po kasi, nakikita na natin na laging umuulan so dito po talaga nagkakaroon tayo because ‘yung mga baha, nag-iipon ng tubig, tapos ‘yung maduduming kapaligiran dahil ‘yung ihi ng mga hayop ang sumasa diyan sa floodwater,”ayon kay Health Undersecretary Maria Vergeire sa Radyo.

Samantala, sinabi ng DOH ,ang lingguhang kaso ay masmababa sa pagsisimula ng taon.

Gayunman,tumaas ang kaso ng 193% mula Marso 13 hanggang Abril 30 kumpara noong nakalipaa na taon na nakapagtala ng 338 kaso sa kaparehas na panahon.


Nitong Abril 10 janggang Mayo 7,ang ahensiya ay nakapagtala ng 154 kaso ng leptospirosis kung saan 20% ay mula za Region 6, 15% sa Region 2 at 13% sa NCR.

Samamtala,pinayuhan ni Vergeire ang publiko na magsuot ng bota paglusong sa baha at kaagad na linisan ang katawan para maiwasan ang leptospirosis.


Kung may “open wound” ay umiwas na lumusong sa baha at kung makaramdam ng sintomas ay kaagad magpatingin sa doktor. (Philip Reyes)


Tags: Department of Health (DOH)

You May Also Like