IPINAGMAMALAKI ng National Task Force Against Covid-19 na naabot na ng gobyerno ang target nitong maturukan ng kumpletong bakuna ang 70 milyong Pilipino, dalawang linggo bago bumaba sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte sa June 30.
Base sa pinakahuling report ng National Vaccination Operations Center (NVOC)… As of June 17, kabuuang 70,005,247 indibidwal na ang fully vaccinated na kumakatawan sa 77.8% ng target population.
Maituturing umano ito legacy na iiwan ni pangulong Rodrigo Roa Duterte sa sambayanan at sa susunod na administrasyon ayon kay National Task Force Against COVID-19 chief implementer at vaccine czar Carlito Galvez Jr.
“Nagpapasalamat ang NTF sa lahat ng ating health workers, volunteers, at mga kababayang nagtulong-tulong para mas marami tayong mabakunahan at maprotektahan laban sa COVID-19,” ani Galvez matapos ang mahigit isang taon ng vaccination campaign ng pamahalaan na nagsimula nuong March 2021.
Sabi ni National Task Force chief implementer Carlito Galvez Jr., patunay ito ng pangako ng pamahalaan na hangga’t maaari ay mabakunahan ang maraming pilipino laban sa COVID-19.
Nitong nakalipas na Biyernes ay nakapagturok ng mahigit 153 million vaccine doses ang Pilipinas , halos 74.9 million indibidwal ang nakatangap ng kanilang unang one dose.
Habang nasa 14,7. million katao naman ang nabakunahan na ng kanilang first booster shots, at nasa 648,555 tao naman ang nakatanggap na ng kanilang second booster dose.
Sa hanay ng mga kabataan nasa 3.2 million bata na may edad na 5-11, ang nabakunahan at nasa 9.5 million bata na may edad na 12-17 ay may kumpletong bakuna.
Umaasa si Galvez na marami pang magpapabakuna upang magkaroon ng sapat na panlaban ang bansa sa banta na posibleng muling pagtaas na COVID-19 infection particular sa Metro Manila.
“We have had many superspreader events in the past months, including the national elections, but we still managed to keep our new COVID-19 cases low because of our high vaccination rate,” ani Galvez .
“But vaccination alone is not enough. We still have to follow our public health protocols, including frequent washing of hands and wearing of best fitted face masks,” dagdag pa ng opisyal.
‘Parting gift’ din aniya ito sa susunod na administrasyon kung saan umaasa si Galvez na ipagpapatuloy ng mga bagong lider ng bansa ang vaccination program ng gobyerno.
“Napakahalaga pong makakuha ng booster shot para mapalakas ang proteksyon na dulot ng bakuna. Para sa mga pwede na ring kumuha ng second booster shot, magpabakuna na agad,”
Pinapayagan ng tumanggap ng second booster shots ang mga frontline health workers, immunocompromised individuals at mga senior citizens. (VICTOR BALDEMOR)














