Kasong rape at acts of lasciviousness, pinasasampa ng CA laban sa TV host at actor na si Vhong Navarro

Iniutos ng Court of Appeals(CA), ang pagsasampa ng kasong rape at act of lasciviousness laban sa TV host at actor Vhong Navarro kaugnay sa kinasangkutan nitong insidente noong 2014 sa model-stylist Deniece Cornejo.

Ito ay matapos na baligtarin ng CA 14th Division, ang resolusyon ng Department of Justice(DOJ) noong 2018 at 2020 na nagdismiss sa reklamo isinampa laban sa aktor ni Cornejo na attempted rape

Nabatid na inatasan ng CA ang Taguig City Prosecutor na isampa ang kasong rape by sexual intercourse at acts of lasciviousness laban kay Navarro, isa s hosts ng noontime variety show na “It’s Showtime.


Nabatid na ibinaba rin ang kasong attempted rape sa act of Lasciviousness.

Una nang sinabi ng DOJ na ibinasura ang kaso dahil sa kakulangan ng ebidensiya.


Sinabi ng DOJ sa resolusyo na nagkaroon ng “major inconsistencies” sa complaint affidavit ni Cornejo.

Bukod pa sa resolusyon ng DOJ lumalabas na ang sexual encounter sa pagitan ni Navarro at Cornejo ay “consensual”.


Nabatid sa inilabas na desisyon ng CA sa media noong Hulyo 31 ,nagkaroon nang pagkakamali ang DOJ nang tanggihan ang petition for review ni Cornejo,nang dahil sa inconsistencies sa complaint affidavit nito.

Sinabi pa ng CA na ang preliminary investigation na isinagawa ng DOJ ay hindi venue para determinahin kung sino ang guilty o inosente.

“Ultimately, it falls upon the trial court to determine who between Navarro and Cornejo speaks the truth. Cornejo decries attempted rape on the night of January 22, 2014 while Navarro denies any wrongdoing on his part,” ayon sa CA. (Jaymel Manuel)

Tags: Court of Appeals(CA)

You May Also Like

Most Read