Walang balak si Justice Secretary Menardo Guevarra na iurong ang kasong may kinalaman sa kalakalan ng iligal na droga ni Senayor Leila de Lima.
Sinabi ni Guevarra na pinayuhan siya ng prosecution panel na matapos ang isinasagawang review sa kaso ni De Lima na may dahilan para ituloy ang aktibong prosekusyon sa kaso ng Senador.
Inamin naman ni Guevarra na ang kaso ni de Lima ay pinqg-usapan na nila ni incoming Justice Secretary Boying Remulla.
“yes, this was discussed. just a situationer on the cases,”ayon kay Guevarra.
Sinabi rin ni Guevarra na ipinauubaya na niya kay Remulla,ang pagdedeisyon pero dapat na i-guide siya ng assessment ng panel of prosecution
“it’s up to cong remulla. but i think he will also be guided by the assessment of the panel of prosecutors who are actually handling the trial of the cases,” dagdag ni Guevarra. (Jantzen Tan)