Latest News

Karagdagang honoraria sa mga gurong nag-OT

IGINIIT ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner George Erwin M. Garcia sa Comelec en banc na aprubahan ang karagdagang honoraria para sa mga guro na nag “over time” bilang electoral boards (EBs).

Nabatid na nag-isyu pa ng memorandum si Garcia sa kanyang kapwa Commissioner sa Comelec na payagan ang pagkakaloob ng karagdagang honoraria sa mga guro.

“Going to the possibility of granting additional honoraria to our teachers who were affected by the issues on the VCM. As of last night, Commissioner George Erwin Garcia had made a positive move for its grant to the Commission en banc, which the Commission en banc had warmly received,” ayon kay Comelec Acting Spokesperson John Rex C. Laudiangco sa isang press briefing.

Gayundin,maging ang mga guro na apektado nang pagkaka antala ay nakatanggap rin ng honoraria noong 2019.

Sinabi ni Laudianco na pumunta na ang kinatawan ng Department of Education (DepEd) sa Comelec para ipaalam sa poll body na.maghahain rin sila ng formal manifestation.

“Makikiisa po sila sa amin sa pag-grant ng additional honoraria ,” ayon kay Laudangco.

Kinakailangan umano na aprubahan ng en banc ang pagkakaloob ng honoraria bago maibigay sa mga guro. (Anthony Quindoy)

Tags:

You May Also Like

Most Read