JOINT PATROL SA TRI BOUNDARIES NG MALAYSIA , PILIPINAS AT INDONESIA

MULING nagpulong ang mga defense minister ng Malaysia, Indonesia at Pilipinas para tutukan ang pagpapalakas sa seguridad ng tri-boundaries ng tatlong bansa.

Layunin ng tatlong magkakaibigang bansa na higit pang palakasin ang kanilang Trilateral Cooperative Arrangement (TCA) partikular na sa coastal watch at maritime border security.


Inihayag ng Department of National Defense na nakipa pulong si Defense Secretary Delfin Lorenzana kina Malaysian Minister Hishammuddin Hussein, at Indonesian Defense Minister Prabowo Subianto, at kanilang tinalakay ang pagpapalakas ng kanilang seguridad sa Sulu at Sulawesi seas.

Paliwanag ni Sec. Lorenzana, kanilang napagkasunduan na linangin at palawakin ang TCA mula sa kasalukuyang security landscape sa pamamagitan ng multi-agency combination.

Magugunitang una nang inilatag ang planong pagkakaroon ng joint border patrol ng tatlong bansa.


Target nilang palakasin ang pagpapatupad ng Trilateral Maritime Patrol Relations Officers sa bawat bansa at paigtingin ang kanilang intelligence at surveillance operations.

Bukod dito ay napagpasyahan din na paigtingin ang monitoring sa mga karagatan at i-explore ang posibilidad na magsagawa ng joint training.


Ayon kay Sec. Lorenzana, makaraang mabuo at mapagtibay ng Pilipinas, Malaysia at Indonesia ang TCA noong 2017 na sinundan ng pagsasagawa ng joint patrols and sharing of intelligence ay nawala ang kidnapping for ransom na dati ay talamak sa Sulu at Sulawesi seas peripheries .

Magugunitang naging talamak ang KFR operation sa high seas na umaabot hanggang Malaysia at Indonesia at humahantong pa sa pagtatago sa Pilipinas na isang archipelagic region at porous boundaries. (VICTOR BALDEMOR)


Tags: Department of National Defense

You May Also Like