Jackpot prize ng MegaLotto 6/45 ngayong Monday draw, P60M na

Hinikayat ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Lunes ang publiko na magtungo na sa pinakamalapit na lotto outlets sa kanilang lugar at tumaya na sa kanilang paboritong lotto games.

Ito’y dahil limpak-limpak na papremyo na naman ang naghihintay na mapanalunan nila sa lotto draw na isasagawa ngayong alas-9:00 ng gabi ng Lunes, Abril 3.

Batay sa inilabas na jackpot estimates ng PCSO, nabatid na aabot na sa mahigit P60 milyon ang jackpot prize ng MegaLotto 6/45.


Samantala, ang jackpot prize naman ng GrandLotto 6/55 ay nananatili pa rin sa P29.7 milyon.

“?? Wag malungkot dahil pwedeng isang bente lang, biglang mag-iiba ang buhay mo #Kalaro en #HubBarkadZ!,” anang PCSO.

“Totoo Yan! Malayo ang mararating ng bente nyo, mas malayo pa sa narating nyo ng ex mo sa relationship nyo,” anito pa.

Una nang sinabi ni PCSO General Manager Melquiades Robles na walang talo sa pagtaya sa PCSO games, gaya ng lotto, dahil sa halagang P20 lang ay may pagkakataon nang maging milyonaryo, at nakatulong pa sa mga kababayan nating nangangailangan.


Ang MegaLotto 6/45 ay binubola tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes habang ang GrandLotto 6/55 ay binubola naman tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado. (Baby Cuevas)

Tags: Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO)

You May Also Like

Most Read