Latest News

Ikatlong “Bayanihan, Bakunahan” pinalawig

PINALAWIG pa ng Department of Health (DOH) ,ang ikatlong wave ng “Bayanihan, Bakunahan” hanggang Pebrero 18.

Nabatid na ang vaccination drive ay orihinal na naka schedule mula Pebrero 10 hanggang 11.

“Ie-extend na po natin ang ating Bayanihan, Bakunahan III program hanggang sa susunod na linggo, February 18,” ani Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa ginanap na media briefing.


“Kaya naman po, hinihikayat na po natin kayong lahat, bawat isa sa atin, magpabakuna na po tayo ng ating primary series o di kaya ay magpa-booster shots na tayo dahil ito po ay daan para magkaroon tayo ng maximum protection para po sa pagpunta natin sa ating new normal,” dagdag ni Vergeire.

Ayon kay Vergeire ,may kabuuang 662,318 Filipinos,ang nabakunahan sa unang araw ng vaccination drive at 442,346,ang nabigyan ng unang doses.

Samantala, may kabuuanv 219,972 ,ang nabigyan ng booster shots.

“Ngayon po ang ikalawang araw ng ating Bayanihan, Bakunahan III at patuloy pa rin ang ating simultaneous nationwide rollout ng mga bakuna para sa ating mga kababayan na may edad 12 pataas,” giit ni Vergeire.


Umaasa umano ang gobyerno na maabot ang 5 milyon target na mabakunahan.

Sa kasalukuyan nasa 60.6 milyon filipino na ang nakatanggap nh 1 dose, 59.9 milyon ang kumpleto nang nabakunahan at 8 milyon ang nakatanggap ng booster shot.

Tags:

You May Also Like

Most Read