Iboto, kandidatong di sinungaling kahit di popular — CBCP

HINIKAYAT ng Pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), ang mga botante na suportahan ang mga kandidato na hindi sinungaling kahit pa di popular.

Ayon on CBCP President Caloocan Bishop Pablo Virgilio David ,hindi umano dapat isugal ng filipino ang kanilang hinaharap sa mga kandidatong walang karanasan at kaalaman sa pamamalakad sa pamahalaan.


Sinabi ito ni David sa ginanap na “Solidarity Mass for the Moral Choice” sa Baclaran Church,dahil hindi na dapat ipagwalang bahala dahil nalalapit na ang halalan

“Labanan natin ang pagsasawalang bahala, magmalasakit tayo lalo na sa kapakanan ng kapwa at bayan,” ani David sa kanhan homily.

“Baka meron sa atin.. ang hindi gagalaw hanggat hindi sila naapektuhan, naghihintay lamang kung ano ang kahihinatnan ng halalan. Umaasa lang sa survey, iboboto lang yung popular. Nasaan ang malasakit sa ganyang attitude?”dagdag ni David.


Ayon kay David kung mananatiling mababa ang pagtingin at pagkilos natin sa pulitika hindi umano pagunlad ang ibubunga nito.

Sinabi pa ni David na maaring bulagin ng kasinungalingan at panlilinlang ng mga kandidato ang botante at maari nitong patulugin ang konsensya at patigasin ang puso na parang mga bato.


Pinayuhan ni David ang mga filipino na piliin na laging pumanig sa katotohanan ,lajit dinpopilar ang kandidato maging ito ay masakit.

“Kung minsan kasi kapag mahapdi o masakit na ang dating ng katotohanan na parang kalamansi sa sugat, parang ayaw na nating tumingin at makinig,” giit pa ni David .


Ayon kay David bilang isang mabuting kristiyano , pananagutan umano natin sa Diyos ang bumoto ng tama at naayon sa konsensya. (Jaymel Manuel)

Tags: Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP)

You May Also Like