Honoraria para sa mga guro sa BSKE, dadagdagan

Inihayag ng Commission on Elections ang planong pagbibigay ng mas mataas na honoraria para sa mga guro na magsisilbi sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Oktubre 30, ng taong kasalukuyan.

Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na mula sa dating P4,000 hanggang P6,000 na honoraria ay itataas ito sa P8,000 hanggang P10,000 upang maging kapareho na ng honoraria ng mga gurong nagsisilbi sa automated elections.

Pinag-aaralan din umano kung kayang maibigay ng mas maaga ang kanilang honoraria gaya ng hiling ni Vice President Sara Duterte pero depende ito kung papayagan sila ng Commission on Audit.


Sakali namang matuloy ang paghahalal ng delegado para sa constitutional convention, tatanggap pa sila ng dagdag na P2,000 na allowance.

Inanunsyo rin ni Garcia na ang mga susunod na BSKE ay gagawin na nilang automated.


Sa ngayon ay pinag- aaralan pa nila kung anong makina ang maaaring gamitin sa susunod na halalan.

Ayon kay Garcia, malaking tulong ito para mapababa ang mga insidente ng karahasan tuwing barangay elections. (Anthony Quindoy)


Tags: Comelec Chairman George Garcia

You May Also Like