Final testing at sealing ng VCM, sinimulan na

SINIMULAN na ng Commission on Election(Comelec) , ang final testing at sealing ng vote counting machines(VCM) sa iba’t ibang presinto sa bansa.

Sa Maynila ang final testing at sealing ng VCM ay ginawa sa Araullo High School kung saan dumalo ang mga poll watcher ng mga kandidato,guro na nahailbing Board of Election .


Nabatid na nakahanda na rin sa nabanggit na paaralan ang isolation polling precint kung saan mayroon pang lamesa para medical staff na nakalagay sa labas ng isolation polling precint.

Dito umano dadalhin at pabobotohin ang mga botante na magpapakita ng sintomas ng COVID 19.

Tiniyak ng Comelec na may pamalit sa mga masisirang VCM.(Jantzen Tan)


P11-B shabu, itinurn over ng NBI sa PDEA

Aabot sa may P11-bilyong halaga ng iligal na shabu ang itinurn -over ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).


Ayon kay NBI OIC-Director Eric Distor, ito ay bilang pagsunod sa kautusan ng Regional Trial Court sa ilalim ng Fourth Judicial Region of Infanta, Quezon.

Nabatid sa NBI na sa pamamagitan ng Forensic Chemistry Division (FCD) ay nai- turn over ang kabuuang 1,855.0 kilograms nitong Abril 11 at 26.


Ang naturang bulto ng shabu ay nakumpiska noong Marso 15,2022 sa
Barangay Comon, Infanta, Quezon na nagresulta ng pagka-aresto sa may 10 katao na kinasuhan na ng paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Infanta Peosecutors Office

Ito na umano ang pinakamalking huli ng shabu sa kasaysayan ng mga operasyon kontra iligal na droga.

Tiniyak ni Distor na tuloy-tuloy pa rin ang kanilang kampanya laban sa iligal na droga. (Jantzen Tan)



Tags: Commission on Election(Comelec)

You May Also Like

Most Read

Latest News