Nag-atas si Health Secretary Ted Herbosa sa Food and Drug Administration (FDA) at National Bureau of Investigation (NBI) na tutukan ang pagkalat ng mga pekeng celebrity endorsements ng iba’t-ibang hindi rehistradong pagkain at gamot sa social media.
Ayon kay Herbosa, marami sa kanyang mga kaibigan na mga popular ang nabibiktima ng mga pekeng endorsement kung saan kinukuha ng mga scammer ang kanilang mga litrato sa social media.
“So I think our—I’ll instruct the head of FDA, si Sam Zacate to actually coordinate with the NBI to really get to the bottom of this,” dagdag ni Herbosa.
Npag-aalaman kay Herbosa na nagsampa na ng kaso sa NBI Cybercrime Division sina Dr. Willie Ong at Dr. Tony Leachon kaugnay sa pekeng endorsement.
Una nang naghain ng resolusyon sa Senado si Senator Jinggoy Estrada kaugnay sa pagkalat ng online marketing materials at.mga impostor pages o accounts na nagpupromote ng mga hindi rehistradong produkto gamit ang larawan o pangalan ng mga lokal na.personalidad at celebrities.