‘Experimental automation’ ng Barangay at SK elections, pinag-aaralan ng Comelec

Kasalukuyang pinag-aaralan ng Commission on Elections (Comelec) ang posibilidad ng pagsasagawa ng “experimental pilot automation” sa ilang piling lugar sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa darating na Oktubre 2023.

“We will study if we can at least pilot test in certain areas/ precincts the automation of the Barangay and SK elections,” pahayag ni Comelec Chairman George Garcia, makaraang maghain si Cavite Cong. Elpidio Bargaza, Jr. sa Kongreso ng resolusyon para aralin ang posibilidad na gamitin ang Automated Election System (AES) sa BSKE.


Ayon kay Garcia, ang panukala ay isang “innovative idea” para mas maging epektibo ang pagbibilang sa darating na halalan bagamat kung kung maisasagawa umano ang “full automation” ay malabo na itong mangyari dahil sa nasa kalagitnaan na sila ng pag-iimprenta ng mga balota para sa orihinal na plano na “manual elections”. (Anthony Quindoy)

Tags: Commission on Elections (Comelec)

You May Also Like