INAASAHANG makikilala na sa buong mundo ang abaca industry ng Pilipinas matapos na lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dalawang batas na kinikilala ang kahalagahan ng abaca industry at egg industry ng banss.
Nabatid na sa ilalim ng Republic Act 1170 kinikilala na ng estado ang kahalagahan ng abaca industry at ang pag-unlad nito bilang “driver of rural development” hindi dahil sa singular potential nito bilang raw material na maaaring magpataas sa export earnings ng bansa.
Gayundin para mailagay ang pangalan ng Pilipinas sa mapa ng mundo na nagpo-produce ng malaking volume ng abaca fiber kundi dahil sa nakapagbibigay ito ng pangkabuhayan sa maraming maliliit na magsasaka sa karatig-lugar sa bansa.
Idineklara rin sa batas na ang lalawigan ng Catanduanes bilang Abaca Capital of the Philippines.
Nangunguna ang Catanduanes sa pinakamataas na produksyon ng abaca sa buong bansa kung saan 80 percent ng pananim nito ay nasa Bicol Region.
Samantala, idineklara din ni Pangulong Duterte ang San Jose, Batangas bilang Egg Basket of the Philippines dahil sa mataas na produksiyon ng itlog sa lugar. (Jaymel Manuel)














