Latest News

Dr. Ted Herbosa, iniendorso ng PMA bilang DOH Secretary

Iniendorso ng Philippine Medical Association (PMA) si National Task Force (NTF) Against COVID-19 adviser Dr. Teodoro “Ted” Herbosa bilang kapalit ni Secretary Francisco Duque III sa Department of Health (DOH).

Sa ipinadalang liham ng PMA kay President-elect Bongbong Marcos, sinabi nito na ang kasanayan at karanasan ni Herbosa sa medical field ay pinakamainam na kuwalipikado sa posisyon.

“On this basis, allow us to endorse Teodoro Javier Herbosa, a Life Member of the PMA with vast experience and extensive expertise in Health Care Systems, Public Health, Hospital Administration, Trauma Surgery, Emergency and Disaster Medicine,” nakasaad sa liham ng PMA.


“Kindly allow him to serve as the Secretary of Health to fulfill the Health Goals of your administration,” dagdag pa ng grupo.

Sinabi ng PMA, unang sinabi ni Presidential Adviser Joey Concepcion na isa si Herbisa sa dalawang best iption bilang susunod na DOH secretary.

“As we all try to put the COVID-19 pandemic under control, the incoming head of the Department of Health will play an important role to achieve that goal,” ani Concepcion,

Gayunman,hindi pa kinukumpirma ni Marcos sa naturang posisyon si Herbosa.


Bukod sa pagiging Special Adviser of the (NTF) CoVID-19, siya ay naitalaga rin bilang miyembro ng Board of PhilHealth bago tinanggap ang puwesto bilang Chairman ng Emergency Medicine sa University of the Philippines-Philippine General Hospital (PGH).

Samantala,isa rin si Dr. Edsel Salvaña ,miyembro ng DOH Technical Advisory Group at Director ng Institute of Molecular Biology and Biotechnology sa National Institutes of Health sa UP Manila na kuwalipikado sa puwesto. (Anthony Quindoy)

Tags: Dr. Teodoro "Ted" Herbosa

You May Also Like

Most Read