NAGPAALALA ang Department of Health (DOH) sa publiko na palagiang magdala ng inuming tubig at sunblock upang maiwasan ang ‘dehydration at sunburn’ ngayong papasok na ang panahon ng tag-init sa bansa.
Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na ang palagiang pag-inom ng tubig ay makakatulong para makaiwas sa karaniwang nagaganap na ‘heat stroke’.
Ito ay makaraang kumpirmahin ng PAGASA na opisyal nang nag-umpisa ang tag-init sa bansa.
Mas kailangan naman umano ng mga nakatatanda ang palagiang pag-inim ng tubig dahil sa mas lantad sila sa ‘dehydration’ sapagkat hindi na sila gaanong nakararamdam ng uhaw.
“‘Yung thirst sensitivity nila ay hindi na katulad natin o ng mga bata na kung nauuhaw, madali kaagad maramdaman ‘yung uhaw. Sa mga matatanda, nahihirapan silang maramdaman ‘yung uhaw. Kaya kahit wala nang tubig, hindi pa rin humihingi ng tubig,” paliwanag ni Duque.
Para sa mga nakapaligid sa mga matatanda, dapat na sila na umano ang nag-aalok ng tubig sa kanila o kaya naman ay naghahanda ng tubig malapit sa kanila para mas madaling makainom.
Maiiwasan naman ang pagkasunog ng bala kung ang mga nag-eehersisyo ay lalabas ng bahay ng mas maaga o sa hapon na para makaiwas sa sobrang init ng araw.