Latest News

DOH: Chikiting Bakunation Days, isasagawa sa Mayo 26-27

Magdaraos ang Department of Health (DOH) ng dalawang araw ng malawakang bakunahan para sa mga bata laban sa iba-ibang karamdaman, na tinatawag na ‘Chikiting Bakunation Days’.

Sa Talk to the People ni Pang. Rodrigo Duterte nitong Lunes ng gabi, sinabi ni Health Undersecretary Abdullah Dumama na ang ‘Chikiting Bakunation Days’ ay isasagawa sa Mayo 26 at 27.

Ayon kay Dumama, layunin nilang mabakunahan sa ilalim ng programa, ang mga batang edad 2-taong gulang pababa laban sa mga sakit tulad ng hepatitis B, polio, measles, mumps at rubella.


Target aniya ng DOH na maturukan ng bakuna ang 80% ng mga paslit na hindi nabakunahan sa kahalintulad na programa na isinagawa noong Pebrero. (Jaymel Manuel)

Tags: Department of Health (DOH)

You May Also Like

Most Read