Latest News

“DO YOU BELIEVE IN MIRACLES? I DO,” DND SEC LORENZANA

TAOS PUSONG pinasalamatan ni Department of National Defense Secretary Delfin Lorenzana si Manila Mayor-elect Honey Lacuna sa pagsalba sa kanya mula sa “possible life-altering injury” nang himatayin ito sa kasagsagan ng ginaganap na Independence Day rites sa Rizal Park nitong Linggo.

Sa kanyang facebook at Instagram post kahapon ay nagpahayag ng kanyang pasasalamat ang 73 anyos na defense secretary sa outgoing Manila Manila vice mayor “for being at the right place, at the right time”.

“Do you believe in miracles? I do,”ani Sec Lorenzana.


“Last Sunday, Mayor-elect Dra. Honey Lacuna of Manila saved me from a possible life-altering injury when I fainted due to the heat and exhaustion.”

Ayon kay Defense spokesperson Arsenio Andolong, biglang bumagsak si Sec Lorenzana’s dahil sa over fatigue bunsod ng sunod sunod na schedule ng kalihim nitong mga nakalipas na linggo na pinalala pa ng sobrang init ng panahon sa Luneta.

Bukod dito si Lorenzana ay galing pa ng Singapore mula sa IISS Shangri-La Dialogue at mula airport ay dumiretso na sa Rizal Park.

Nabatid na may nakarating ng mensahe kay Lacuna mula sa kalihim na nagpapasalamat.


Ayon kay mayor Lacuna, hindi siya dapat pasalamatan, nagkataon lang na naroon siya. Dalangin umano niya ang mabilis na paggaling ng kalihim kasabay ng payo na sana matapos ang mga dalawang lingo ay muli itong magpa check-up para matiyak na ligtas ang kalihim . Umaasa si Lacuna na isailalim si DND Secretary sa MRI o CT scan dahil kahit bahagya niyang nasalo ito ay tumama pa rin ang ulo nito sa sahig at umaasa rin siya na maging maayos ang kalagayan nito. (VICTOR BALDEMOR)

Tags: Department of National Defense Secretary Delfin Lorenzana, Manila Mayor-elect Honey Lacuna

You May Also Like

Most Read