Latest News

DILG, NANINIWALANG BABANGON MULI ANG PILIPINAS

“Sama-sama tayong babangon muli tungo sa disiplinado at maunlad na Pilipinas,” pagtiyak ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa pagpasok ng administrasyong Marcos-Duterte.

Sa isang statement, binati ni Interior Secretary Eduardo Año sina President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at Vice President-elect Sara Duterte-Carpio.

“The Department of the Interior and Local Government (DILG) congratulates Ferdinand R. Marcos, Jr. and Sara Z. Duterte on their proclamation as President-elect and Vice President-elect of the country, respectively.”

Tiniyak din ni SILG Año na patuloy na makikipagtulungan ang kagawaran sa incoming administration sa pagkamit ng pagkakaisa para matamo ang pag-unlad.

Patuloy ring itataguyod ng ahensya ang matino at maasahang serbisyo.

Umaasa rin ang kalihim na sa pag-upo ni Benhur Abalos bilang incoming DILG chief ay tiyak na magagabayan nito ang mga Local Government Unit sa kanilang mandato at sa pagpapanatili ng peace and order.

We commit to continue to uphold the DILG’s brand of service of being matino, mahusay, at maaasahan as we decisively execute the incoming administration’s directives for local governments and the peace and order and security sectors. (VICTOR BALDEMOR)

Tags:

You May Also Like

Most Read