DFA, MAY PANAWAGAN SA RUSSIA AT UKRAINE KASABAY NG UNANG ANIBERSARYO NG GIYERA NG 2 BANSA

Nanawagan ang Pilipinas sa Russia at Ukraine na wakasan na ang kanilang girian.

Ang panawagan ay ginawa ng Dept of Foreign Affairs sa harap ng unang anibersaryo ng paglunsad ng Russia ng Special Military Operations laban sa Ukraine.


Nanindigan din ang Pilipinas sa pagsuporta sa 5 UN resolutions para sa political independence ng Ukraine

Suportado rin ng Pilipinas ang pinakahuling UN resolution para sa komprehensibo at pangmatagalang kapayapaan sa Ukraine.

Una na ring ipinaabot ng Pangulong Bongbong Marcos kay Ukrainian President Volodomyr Zelenskyy ang suporta nito sa hinahangad na kapayapaan ng Ukraine. (Anthony Quindoy)



Tags: Dept of Foreign Affairs

You May Also Like