NAKIPAG ugnayan si Army Commanding General Lt. Gen. Roy M. Galido kay Commission on Elections Chairperson Atty. George Erwin M. Garcia nitong nakalipas na linggo sa Palacio del Gobernador, General Luna St, Intramuros, Manila para talakayin ang ginagampanang papel ng Hukbong Katihan sa gaganaping Barangay at Sangguniang Kabataan election.
Tiniyak ni Lt. Gen. Galido sa COMELEC ang kanilang suporta para masiguro na maidaraos ng maayos at mapayapa ang gaganaping Barangay and Sangguniang Kabataan Elections sa darating na October 30, 2023.
Ayon kay Galido gaya ng mga nagdaang election malaki ang ginagampanang papel ng kasundaluhan para sa ligtas na pagdaraos ng elections.
Ikinagalak naman ni COMELEC Chairperson George Erwin Garcia ang naging pagkikita nila ni Gen Galido at pagtalakay sa mga isyu na may kinalaman sa eleksyon.