Inaprubahan na ng National Wages Productivity Commission (NWPC) nitong Biyernes ang hirit na dagdag-sahod sa Rehiyon 2, Mimaropa o Region 4B at Rehiyon 12 o Soccsksargen.
Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), ang mga manggagawa sa Rehiyon 2 ay magiging P5,000 na ang minimum na buwanang sahod.
Sa Mimaropa naman, ang mga nagtatrabaho sa mga pribadong establisyimento na wala pang 10 ang tauhan ay bibigyan ng P35 na dagdag sa kanilang minimum na arawang sahod, at magiging P329 na. Ang mga negosyo naman na maraming tauhan ay magiging P355 na ang minimum na arawang sahod.
Sa Mimaropa pa rin, ang mga domestic worker ay magiging P4,500 na ang minimum na buwanang sahod, mas mataas ng P1,000 kumpara sa dati nilang sweldo.
At para naman sa mga taga-Rehiyon 12, ang mga nagtatrabaho sa mga pribadong negosyo ay makakaranas ng P32 na dagdag sa kanilang minimum na arawang sahod, na idadagdag sa dalawang tranche.