HANDA na ang Philippine security forces at Commission on Elections (Comelec) para sa halalan sa Lunes, Mayo 9.
Nagsagawa ng walkthrough inspection ang mga opisyal ng security forces at ilang Comelec commissioner sa Philippine International Convention Center, kung saan magpupulong ang National Board of Canvassers (NBOC).
Dumalo rin sa nasabing inspeksyon sina Comelec Chairman Saidamen Pangarungan, Commissioner George Garcia, Spokesperson Director John Rex Laudiangco, Philippine National Police (PNP) officer-in-charge Vicente Danao Jr., Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief Andres Centino, at Philippine Coast Guard (PCG) Commandant Artemio Abu.
Sa press briefing, sinabi ni Danao na 225,000 PNP personnel ang kanilang ipapakalat para masiguro ang ligtas na eleksyon.
Naka-full alert naman ang mga tauhan ng AFP, kasama ang kanilang naval at air assets para sa halalan, ayon kay Centino.
Habang ilang Coast Guard na rin ang nakahanda, batay kay Abu.
Samantala, sinigurado naman ni Pangarungan na: “The guiding principle of the Comelec will be to protect the sanctity of the vote by all means and in whatever circumstances. Together with our partner agencies, the PNP, AFP, PCG, DepED, and other government agencies, we are going to pursue this to the end.”