Inilahad ni Comelec Chair George Garcia ang mga bawal sa campaign period ng BPE.

COMELEC, NAGBABALA SA MGA BAWAL PARA SA CAMPAIGN PERIOD NG BPE

By: Jerry S. Tan

Sinabi ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia na mahigpit nang ipapatupad ang ilang prohibited acts kaugnay ng pag-arangkada nitong Huwebes, Agosto 28, 2025 nng campaign period para sa 2025 Parliamentary Elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ayon kay Garcia, magtatagal ang panahon ng kampanyahan para sa BARMM Parliamentary Elections (BPE) hanggang sa Oktubre 11, 2025, Sabado.


Kabilang sa bawal ang pagkakaloob ng donasyon ng kandidato, kanyang asawa, o sinumang kaanak hanggang sa ikalawang civil degree of consanguinity o affinity, kanyang campaign manager o sinumang kinatawan.

Hindi na rin pinahihintulutan ang pagtatalaga o paggamit ng special policemen, confidential agents, o mga indibidwal na gumagawa ng kaparehong trabaho.

Bawal na rin ang pagtatalaga o pagkuha ng bagong empleyado at paglikha ng bagong posisyon sa ahensiya ng gobyerno o instrumentality, maging sa national o lokal man, kabilang na ang mga government-owned or controlled corporations (GOCC), maliban na lang kung may naunang awtoridad mula sa Komisyon.


Kabilang rin sa mga prohibited acts ang promosyon o pagkakaloob ng salary increase o umento sa sahod, pagbibigay ng remunerasyon, o pribilehiyo sa sinumang government official o employee, kabilang yaong mga nasa GOCCs.

Hindi na rin pinapayagan ang paglalabas, disbursement, expenditures ng public funds, maliban na lang ang mga nakasaad sa Section 261 (v) ng Omnibus Election Code (OEC).


Bawal na rin ang konstruksiyon ng public works, paghahatid ng mga materyales para sa public works maliban na lamang para sa proyekto o trabaho na exempted sa Section 261 (v) ng OEC, at paglalabas ng treasury warrants o kahalintulad na devices.

Hindi na rin pinahihintulutan ang pagtatanggal, destruksiyon, obliteration o anumang paraan ng paninira o pagpapalit o pagpigil sa distribusyon ng mga lawful election propaganda.


Hindi na rin pwedeng gumamit ng armored land, water o air craft, gayundin ang mga pag-akto ng mga pulis at mga guwardiya bilang bodyguards o security guards.

Ang 2025 BPE ay nakatakdang idaos sa Oktubre 13, 2025.



Tags: Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia

You May Also Like