Comelec, hiling na ilabas na ang transportation allowance ng mga guro

Nakatakdang hilingin ng Commission on Elections (Comelec) sa Commission on Audit (COA) na i-release na ang transportation allowance ng mga guro na tutulong sa barangay and Sangguniang Kabataan (SK) elections sa darating na Oktubre.

“Kami ay patuloy na makikipag-ugnayan sa Commission on Audit na kahit man lang ‘yung transportation part na allowance doon sa mismong honoraria ay mabibigay sa mga guro,” ayon kay Comelec Chairperson George Garcia.


Una nang sinabi ng Comelec na tatanggap ang mga guro na aasiste sa BSKE ng P4,000 karagdagang allowance sa kanilang honoraria .

Samantala,sinabi ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) na hindi pa rin sapat ang naturang interes dahil sa 20% tax deduction.

Iginiit ng ACT ang P8,000 hanggang P10,000 honoraria sa mga poll workers at dapat na ibigay ito nang buo.


“Election board chairpersons will just get ?8,000, members will have ?7,200, while support staff will only take home ?6,400,” ayon kay ACT Chairperson Vladimer Quetua.

Sinabi ni Quetua na hindi pa ito sapat para sa trabaho at panganib na haharapin ng mga election workers sa ilang araw na training at preparasyon at sa mahigit na 24 oras na trabaho sa araw mismo ng annual elections.


Noong Hulyo 2022, na i-veto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang dalawang hakbang na humihiling na gawing exempted sa buwis ang honoraria ng mga guro dahil taliwas ito sa tax program ng gobyerno. (Anthony Quindoy)


Tags: Commission on Elections (Comelec)

You May Also Like