TULOY pa rin umano ang sinasagawang pagsisiyasat ng Philippine Authorities sa hinatak nilang fishing boat at sa mga na- rescue na mga Chinese nationals sa karagatan ng Guiuan, Eastern Samar.
Ito ay sa gitna ng ginawang pagpapapasalamat ng China sa Pilipinas sa ginawang pag sagip ng Philippine Coast Guard sa pitong Chinese crew ng umanoy napadpad na Chinese vessel sa karagatan ng Guiuan, Eastern Samar.
Nagpahayag si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian ng taos pusong pasasalamat ng kanilang hanay kay PCG Commandant Artemio Abu.
“Our sincere gratitude and deep appreciation to Commandant Abu and PCG for their immediate response and humanitarian efforts to help the Chinese fishing vessel and 7 Chinese fishermen on board,” pahayag ni Huang.
Matapos ma-rescue, dinala ang pitong Chinese sa Tacloban Port.
Kasabay nito, sinabi ni Huang na isang Filipinong mangingisda naman ang na-rescue ng Chinese vessel sa Davao Oriental ng East of Philippine Sea matapos na magkaaberya ang sinasakyang bangka ng Pilipinong mangingisda bago na-rescue ng Chinese vessel.
“These moves are in line with and concrete implementation of the important consensus reached by our two Presidents on strengthening communication and improving dialogue mechanisms between our two Coast Guards, properly managing maritime differences through dialogue and consultation while expanding practical cooperation on the sea.
These stories are also good testament to the millennium friendship and bayanihan spirit between the Chinese and Filipino peoples,” dagdag ni Huang.
Samantala nabatid na hinatak ng PCG BRP Cabra papuntang Tacloban City ang Chinese vessel na nagkaaberya sa laot ng Eastern Samar. Sinasabing napadpad lamang diumano ito sa dagat ng Pilipinas dahil sa sama ng panahon at nasira ang timon nito kaya nagpalutang lutang.
Inakyat at ginalugad ng mga awtoridad ang nasabing barko kung saan sinasabing walang nakitang gamit na pangisda ang mga awtoridad sa loob ng fishing vessel na kanilang ipinagtataka kaya patuloy pa rin umano ang kanilang imbestigasyon.
Ayon kay LCDR Ramil Montemar, PCG Station Commander ng Coast Guard Station Eastern Leyte-Tacloban, aalamin nilang kung bakit , paano at ano ginawa nila at napadpad sila sa dagat sakop ng Pilipinas. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)