WALA umanong kasalanan ang barko ng China sa napa-ulat na pambabarako nila sa isang patrol ship ng Philippine Coast Guard dahil nasa loob sila ng lugar na kanilang saklaw.
Kasunod ng ulat na umanoy “close distance maneuvering” incident na kinasasangkutan ng Chinese vessel ay iginiit ng China ang kanilang sovereign rights sa Scarborough o Panatag Shoal matapos na iniulat ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pangyayari.
Ayon sa inilabas na statement ni Foreign Ministry spokesman Wang Wenbin “Huangyan Dao is China’s inherent territory. China has sovereignty over Huangyan Dao and its adjacent waters as well as sovereign rights and jurisdiction over relevant waters.”
“ We hope that the Philippine ships will earnestly respect China’s sovereignty and rights and interests, abide by China’s domestic law and international law, and avoid interfering with the patrol and law enforcement of the China Coast Guard in the above-mentioned waters, ani Wang Wenbin.
Ginawa ng tagapagsalita ng China Foreign Ministry ang nasabing pahayag kasunod ng ulat ng PCG noong Marso 2 na nilapitan ng Chinese Coast Guard Vessel ang BRP Malabrigo sa dagat na palibot ng Panatag Shoal o mas kilala bilang Bajo de Masinloc.
Kasabay nito ay hinimok ni Wang ang PCG na irespeto ang claim ng China sa naturang bahagi ng karagatan salig na rin sa mga umiiral na domestic law ng Beijing at international law na rin.
Pinaiiwas din nila ang PCG sa pakikialam daw sa pagpapatrol at law enforcement ng Chinese Coast Guard sa naturang lugar.
Pero ayon kay PCG Commandant Admiral Artemio Abu, ang insidente kamakailan ay pang-apat nang napaulat na close distance maneuvering incident ng mga barko ng China sa palibot ng Panatag Shoal.
Una nang kinondena ng Phil. Coast Guard ang ginawa ng Chinese vessel na panibagong pambu-bully.
Anila, napakadelikado raw nito dahil sa sobrang lapit nang pag-maneuver ay pwedeng humantong sa banggaan ng dalawang barko. (VICTOR BALDEMOR)