NILINAW ni Acting presidential spokesperson Martin Andanar na hindi pa nagi -ndorso ng sinumang Presidentiable si Pangulong Rodrigo Duterte para sa presidential election sa Mayo 9, 2022
Ang pahayag ay ginawa ni Andanar nang tanungin sa ginawang pag i-endorso ng PDP-Laban sa ilalim ng faction ni Energy Secretary Alfonso Cusi sa kandidatura ni dating Senador Ferdinand “Bongbong”Marcos Jr.
“Malinaw na ito ay desisyon ng partido pero hindi malinaw na ito ang gusto ni Presidente,” ayon kay Andanar.
“Antayin na lang po natin ang Pangulong Duterte [na magsalita],” dagdag pa ni Andanar.
Tumanggi rin si Andanar na sagutin ang iba pang katanungan dahil ang pag-endorso kay Marcos ay nanggaling sa PDP-Laban.
“Ako po ay tagapagsalita ng ating Pangulo, hindi ng PDP-Laban,” giit ni Andanar.
Magugunita na unang sinabi ni Duterte na mahinang lider si Marcos at wala pa itong nagawa. Pinarunggitan din ni Duterte si Marcos, Jr. na nagdo-droga.