Latest News

BATAS KONTRA TROLL PAGES, HILING NG COMELEC

MULING nanawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa dalawang kapulungan ng Kongreso na magpasa ng batas na susugpo sa talamak ngayong mga ‘troll social media accounts at pages’ na siyang pangunahing nagpapakalat ng maling impormasyon at malisyosong pag-atake sa mga personalidad lalo na sa panahon ng halalan.

Inamin ni Comelec Commissioner George Garcia na napakahirap patunayan at papanagutin ang mga troll accounts kung pagbabatayan lamang ang Cybercrime Prevention Act of 2012, kaya nararapat na may hiwalay na batas na nakatutok lamang dito.


“We would like to readily admit that because of the absence of a law regulating social media in the Philippines that the Comelec is really powerless, at least to monitor what you have said,” saad ni Garcia.

Unang inihayag ni Garcia nitong Biyernes na umaasa siyang papayagan ng Kamara ang “internet voting” sa susunod na halalan, dahil ilan umanong overseas Filipino voters ang hirap makaboto.

Isa rin sa binantayan ng Comelec ay ang gastos ng mga kandidato at partido sa kanilang paggamit ng ‘ads’ sa iba’t ibang social media platforms at pagkakaroon ng berepikadong social media accounts.


Bukod sa pagkakalat ng mali-maling impormasyon, ang mga trolls din ang nangunguna para pag-awayin ang mga netizen tuwing eleksyon habang sila rin ang nagsi-share ng mga videos, at memes na gawa-gawa lamang at walang matibay na basehan. (Jaymel Manuel)


Tags: Commission on Elections (Comelec)

You May Also Like