TULUYAN nang itinaas sa kategoryang super typhoon ang bagyong si Egay kahapon habang tinatahak ang karagatang sakop ng Pilipinas kasunod ng pagtataas ng PAGASA sa tropical wind signal No. 5 sa eastern portion ng Babuyan Islands habang Signal No. 4 naman sa laalwigan ng Cagayan at posibleng maabot nito ang kanyang peak intensity ayon sa state weather .
Bandang hapon nitong Martes ay inulat ng state weather bureau na patuloy na lumalakas ang bagyo habang papalapit sa Northern Luzon. At base sa kanilang 2 p.m. bulletin, ay itinaaas sa tropical cyclone wind signal no. 5 ang bahagi ng Camiguin Island dahil inaasahang mararanasan ang lakas ni Egay at malalagpasan nito ang bilis na 185 kph sa loob ng susunod na 12 oras.
Si Egay ay namataan na nasa 230 kilometers east ng Tuguegarao City, Cagayan at 240 kilometer Norteast ng Aparri kahapon ng hapon na may bilis na 185 kilometers per hour malapit sa gitna habang may bugso na umaabot sa 230 kph anang PAGASA.
Isinailalim na sa ibat ibang protocol ang maraming mga probinsya sa buong bansa dahil sa tuloy-tuloy na paglakas ng bagyong(Supertyphoon) Egay.
Batay sa datos ng Department of Interior and Local Government nasa pinakamataas na alerto o Charlie Alert ang ilang mga probinsya sa Northern Luzon.
Kabilang ditto ang Cagayan, Ilocos Norte, at Probinsya ng Apayao. Ang mga nasabing probinsya ay posibleng makaranas ng malakas na hangin na hanggang sa 150KPH mula sa Bagyong Egay.
Nasa pangalawang pinakamababang alerto o Alert Level Bravo naman ang anim na probinsya sa Norte na kinabibilangan ng Abra, Batanes, Ilocos Sur, Isabela, Kalinga, Mountain Province.
Pinakilos naman ni Armed Forces Chief of Staff General Romeo Brawner ang kanilang puwersa mula sa Northern Luzon Command na magsagawa ng mga paghahanda at prepositioning ng kanilang mga assets at sa posibleng nagsasagawa ng mga rescue operation
“We stand ready to confront the potential impact of Typhoon Egay. We are fully prepared to collaborate with local authorities and relevant agencies to ensure a coordinated and effective response to any disaster that may unfold,” sagot ni LTGEN Fernyl Buca PAF.
“I further urge the residents and communities in potentially affected areas to remain vigilant and stay prepared for any emergency. Citizens are advised to adhere to guidelines issued by local disaster management agencies and to evacuate promptly if necessary, prioritizing their safety and well-being”, pahayag ni NOLCOM Commander.
Sinabi pa ni Ltgen Buca na tuloy tuloy ang kanilang pakikipag ugnayan sa RDRRMC, OCD, at iba pang mga stakeholder.














