INI-AWARD na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bahay at lupa kay Cadete First Class Krystlenn Ivany Quemado, valedictorian ng Philippine Military Academy (PMA) Class of 2022.
Tinanggap ni Quemada ang certificate of ownership sa ginanap na commencement rites sa Fort General Gregorio H. del Pilar sa Baguio City.
Nabatud na tumanggap rin ng Presidential Saber Award mula kay Duterte, ang kadete.
Si Quemada,22 anyos mula sa Koronadal City ay nagtapos Notre Dame of Marbel University-Integrated Basic Education bago nagpasiyang lumahok sa PMA at siya ay maglilingkod sa Philippine Navy.
Nalaman na ang Bagsik-Diwa Class of 2022 ay kinabibilangan ng 165 kadeteng lalaki at 49 babae.
Sa nabanggit na bilang , 104 naitalaga Philippine Army, 57 sa Philippine Navy, at 53 sa Philippine Air Force. (Jaymel Manuel)