Ayuda para sa mga naapektuhan ng lockdown sa China, tiniyak

AALALAYAN ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga OFW na naapektuhan ng lockdown sa Shanghai, China dahil sa muling pagsirit ng COVID-19.

Ito ang tiniyak sa Laging Handa ni DOLE Secretary Silvestre Bello III matapos kasunod ng ulat na maraming OFW sa Shanghai, China ang hindi makapagtrabaho dahil sa lockdown.


Ayon kay Bello, ang Department of Foreign Affairs (DFA) ang kikilos para matukoy ang kinaroroonan ng mga OFW sa Shanghai at ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) naman ang mag-aabot ng tulong pinansiyal sa mga apektadong Pilipinong manggagawa.

“Actually, wala kaming opisina sa China pero nandiyan naman ang Department of Foreign Affairs at sila ang nag-identify sa mga OFW na nandoon doon, handa po kami through OWWA na magbigay ng financial assistance,” ani Bello.

Sinabi ng kalihim na bibigyan ng DOLE ng tig-$200 ang mga OFW na naiipit sa lockdown katulad ng ibinigay sa mga OFW na naapektuhan ng COVID -19 sa ibang mga bansa.


“In the meantime,nagpapadala tayo ng pagkain, medisina sa kanila and as soon as ma-identify natin sila upon instruction of DFA, we will give them the usual grant of $200 per OFW,” dagdag ni Bello.


Tags: Department of Labor and Employment (DOLE)

You May Also Like