Latest News

AREAS OF CONCERN, IHAHAYAG NG COMELEC

NAKATAKDANG tukuyin ng Commission on Elections (Comelec) sa darating na Huwebes ang mga ‘areas of concern’ na nasa kanilang talaan kaugnay ng darating na halalan sa Mayo 9.

Sinabi ni Commissioner George Garcia, sa Laging Handa briefing, na ang talaan ay base sa isinumiteng talaan ng Philippine National Police (PNP) at ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na may ‘color coded’ ang bawat lugar.

“Asahan po ninyo by siguro hanggang Thursday ay mag-announce po ang Comelec sa pamamagitan po en banc, i-a-announce po natin kung ano talaga ‘yung areas of concern,” ayon kay Garcia.

Sa klasipikasyon ng PNP, nilagyan nila ng kulay na berde, dilaw, kahel (orange) at pula ang bawat lugar depende sa antas ng katiwasayan nito pagsapit ng halalan.

Ang berde ay ikinukunsidera na ‘generally peaceful’ pagsapit ng halalan, ‘areas of concern’ naman ang mga lugar na inilagay sa dilaw dahil sa mga nakaraang insidente ng karahasan sa dalawang magkasunod na halalan.

Ang kahel naman ay ‘areas of immediate concern’ dahil sa presensya ng mga armadong grupo tulad ng New People’s Army and Bangsamoro Islamic Freedom Fighters, habang ang pula ay mga lugar na parehong may naganap na karahasang ng mga angkang politiko at mga armadong grupo.

Hindi na umano gagamitin ang terminong ‘election hotspots’ tulad ng napagkasunduan nila ng Department of National Defense at ng National Intelligence Coordinating Agency.(Anthony Quindoy)

Bagitong pulis,patay sa semplang

Nasawi ang isang bagitong pulis matapos na mawalan ng kontrol ang minamanehong motorsiklo at bumangga sa gutter ng center island,kahapon ng madaling araw sa Port.Area,Maynila.

Ayon sa ulat ng Manila District Traffic Enforcement Unit,ang biktima ay nakilalang si Patrolman John Rudolf Cruz Y Matias, 24 , binata ng 215 Prk Matias, Talavera Nueva Ecija at nakatalaga sa Aviation Security Group.

Nabatid na naganap ang insidente ,ala 1 ng madaling araw sa Southbound lane ng Mel Lopez Boulevard Anda Circle sa Port Area.

Sa imbestigasyon, sinabi ni Nords Dading,33,tricycle.driver ,sakay ng Yamaha XSR 155 na kulay itim( 972-UBD) ang pulis nang mawalan ito ng kontrol sa may southbound lane sa harap nh LBC at nagpagewang gewang saka ito humampas sa center island.

Tumilapon pa ang biktima at humampas ang ulo sa sementadong kalsada.

Isinugod ng ambulansiya ng Philippine Red Cross sa Ospital ng Maynila, subalit dakong 2:30 ng madaling araw , nang ideklarang patay ni Dr.Ed Paulo Halili.

Inilagay sa morque ng ospital ang bangkay at inaalam kung ito ay nakainom ng alak nang maganap ang insidente. (Carl Angelo)

Tags:

You May Also Like

Most Read