Umapela si Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. Sa mga mananampalataya na gawing araw ng panalangin ang paggunita sa All Saints at All Souls Day sa November 1 at 2.
Sa halip na gawin itong kasiyahan at katatakutan tulad ng pahdaraos ng mga Halloween party.
“Gawin po natin itong araw ng Panalangin (undas) para sa mga banal at yumaong mga mahal natin sa buhay, hindi party party lamang,” ani Bacani.
Ayon kay Bacani ,ang Nobyembre 1 ay araw upang parangalan ang lahat ng mga banal ng simbahan na nagtalaga ng kanilang buhay sa Panginoon at tinatamasa ang kaharian ng Diyos.
Nais ng Obispo na maging huwaran ng mamamayan ang halimbawa ng mga banal na buong kababaang loob na sumunod sa Panginoon maging ang pag-alay ng buhay para sa pananampalataya tulad ng ginawa nina San Lorenzo Ruiz at San Pedro Calungsod ang dalawang Pilipinong kabilang sa mahigit sampung libong santo ng simbahan.
Hqbang qng Nobywmbre 2 naman ang mahalagang pagkakataon para magbuklod ang bawat pamilya upang ipanalangin ang kapayapaan ng kaluluwa ng mga yumaong kaanak na marahil ay nasa proseso ng paglilinis upang makamtan ang kaharian ng langit lalo na ang mga nasawi sa COVID-19, trahedya, digmaan at iba pang sakuna.
Kaugnay nito, nakikiisa ang Radio Simbahab sa mamamayan sa paggunita ng Undas kung saan maaring magpadala ang mga Kapanalig ng kanilang prayer intentions para sa kaluluwa ng mga yumaong kaanak.
Nabatid na puwede rin magpamisa sa mga yumaong mahal sa buhay sa pamamagitan nang makipag-ugnayan lamang kay Renee Jose ng Religious Department sa telepono 8925-7931 hanggang 39 local 129 o mag-text sa 09176314589. (Jaymel Manuel)














