NASA 7,000 hanggang 8,000 pulis ang ipapakalat ng Philippine National Police (PNP) para sa nalalapit na inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Hunyo 30.
Ayon kay Manila Police District (MPD) director PBGen. Leo Francisco, bukod sa may 4,400 na personnel ng MPD, magdadagdag rin ng deployment ang National Capital Region Police Office (NCRPO) at ang PNP Headquarters.
“Sa panig ng MPD, meron kaming 4,400 na kapulisan at iyan ay lahat ide-deploy ko para sa inagurasyon ng ating bagong presidente,” ani Francisco.
“Ako ay bibigyan ng additional complement galing sa NCRPO at sa National Headquarters so we are looking at about 7,000 to 8,000 police na puwede i-deploy that day,” dagdag ni Francisco.
Samantala, sinabi Francisco na sa ngayon ay wala silang namo-monitor na banta na may kinalaman sa oath-taking ni BBM, na nakatakdang idaos sa National Museum of the Philippines.
Magpapatupad umano ng traffic re-routing dahil isasarado nila sa daloy ng trapiko ang P. Burgos St. at Kalaw Avenue mula sa Taft Avenue hanggang Roxas Boulevard bunsod ng nasabing makasaysayang aktibidad.
Wala din militanteng grupo.ang iostuhan ng permit.para.makapag rally at kilos protesta.
Maaari umanong magdaos ng demonstrasyon sa mga itinakdang freedom parks ang mga ralyista. (Carl Angelo)














