Latest News

49 sa 1,000 reklamo ng vote-buying, maiimbestigahan

INIHAYAG ng Commission on Election(Comelec) na 49 sa mahigit 1,000 sumbong ng “vote buying” ang kanilang masusing maiimbestigahan.

Ayon kay Comelec Commissioner Imee Ferolino,head ng Task Force Kontra-Bigay sa mahigit 1,000 sumbong ng vote buyong. 49 lamang ang may.kalakip na ebidensiya.

“Many of the reported vote buying incident na idinulog doon, takot naman na mag-testify o walang witnesses, or walang ebidensya,” ayon kay Ferolino.


Karamihan umano sa mga reklamo ay nagpadala lamang umano ng ‘vote-buying’ videos, subalit walang kalakip na impormasyon kung saan at sinong kandidato ang nasa likod ng aktibidad.

Kaugnay nito, sa Law Department ng Comelec, higit sa 80 reklamo na ang kanilang natanggap at 73 sa mga ito ay ukol sa ‘vote buying’ mula pa noong Pebrero 9.


Sa 73 sumbong ng ‘vote buying’, 52 na ang inaksyunan, 12 ang idinocket, at ang iba ay isinasailalim pa sa ebalwasyon.

Gayundin, Iniimbestigahan ang ulat ng posibilidad na ‘vote buying’ sa Surigao del Sur makaraan na malaking pagtaas sa bentahan ng mobile phones ang maitala matapos ang mismong araw ng halalan.


Nalaman na nkikipag-ugnayan na rin ang Comelec sa National Telecommunications Commission (NTC) para mabatid kung may impormasyon ang ahensya ukol sa pagtaas ng bilihan ng mobile phones. (Philip Reyes)

Tags: Commission on Election(Comelec)

You May Also Like

Most Read