Latest News

42-TAONG KASAL, NAPAWALANG-BISA SA “PSYCHOLOGICAL INCAPACITY”

PINAGTIBAY ng Supreme Court(SC) ang naunang desisyon ng Mababang Hukuman at Court of Appeals(CA) na nagpawalang-bisa sa 42-taong kasal ng isang mag-asawa dahil sa isyu ng “psychological incapacity” ng lalaki.

“Hallucinations and delusions as the son of God, and can have many wives” na umano’y paniniwala ng mister na pangalan ang sanhi kung bakit tuluyang pinayagan ng SC na ipawalangbisa ang kasal nito sa kanyang misis.

Una nang nagpalabas ng ruling ang Regional Trial Court noong 2007 at CA noong 2012 na kapwa pabor sa pagpapawalang-bisa sa kasal nila ng kanyang misis dahil sa psychological incapacity.


Ang desisyon ay isinulat ni Associate Justice Marvic M.V.F. Leonen at inilabas sa publiko nitong Pebrero 11.

“Here, this Court finds that Jay is psychologically incapacitated to comply with his essential marital obligations, not because he suffers from schizophrenia per se, but because his psychosis has been found to be an enduring part of his personality structure. This psychosis, in tum, led him to do clear acts of dysfunctionality that undermined Irene and their family.
“As the lower courts found, Jay believes himself to be the son of God. In his mind, his refusal to live with Sophie and to provide for the family was God’s will. He also believes that he can have as many wives as he wants, which is not only illegal but is in utter disrespect and disregard of his marital vow to Sophie,”ayon pa sa desisyon ng SC.

Nalaman rin na si mister ay dating US Navy pero na discharged sa serbisyo matapos ang 14 na buwan matapos ang psychiatric at medical evaluation na dumaranas siya ng schizophrenia , “a chronic mental disorder characterized by inability to distinguish between fantasy and reality and often accompanied by hallucinations and delusions.”

Naka-discharge na si mistersa US Navy nang makilala niya sii misis na ipinakilala sa kanya sa pamamagitan ng simbahan bago sila nagpakasal.


Nabatid na si mister ang naghain ng petisyon sa korte at ikinatwiran nito na nilabag umano ni misis ang kanyang karapatan bilang asawa nito dahil hindi umano isinumite ni misis ang kanyang sarili kay mister.

Inakusahan pa ni mister si misis ng pagiging inggitera,mukhang pera at tsismosa.

Una nang tumanggi si misis na mapawalang-bisa ang kasal kay mister dahil sa isyu na baka mahinto ang financial support na kanyang tinatanggap sa US Veterans Office.

Gayunmam,sinabi ni misis na hiniwalayan niya si mister dahil nahuli niya itong me babae at bukod sa isyu ng financial support ,inamin niya na magkaiba ang kanilang paniniwalang relihiyon.


Sa isinahawang eksaminasyon ng SC nalaman na si misterr ang may psychological incapacity.

Tags:

You May Also Like

Most Read