341,494 KATAO INARESTO; P89.29 BILYON HALAGA NG DROGA, NASAMSAM NG PDEA

Mahigit isang buwan bago ang pagtatapos ng administrasyong-Duterte, umaabot na sa P89.29 bilyon halaga ng ibat-ibang uri ng droga ang nasamsam ng Philippine Drug Enforcement Agency simula noong 2016.

Sa 236,620 anti-illegal drug operation na isinagawa ng ahensya, nasa 6,248 na drug personalities ang napaslang habang umaabot naman sa 341,494 ang bilang mga naarestong drug personalities sa mga inilunsad na anti narcotics operations kabilang dito ang 15,096 high value targets.


Kabilang sa mga nadakip ang 1,057 government workers, 126 dito ay men in uniformed , 402 elected officials at 529 government employees.

Sa huling datos na inilabas ng (PDEA), sa nabanggit na halaga, P76.55 bilyon ang halaga ng nasamsam na 11,843.41 kilo ng shabu.

Nakumpiska din ang 530.24 kilo ng cocaine, 163,483 piraso ng ecstasy at 10,482.21 kilo ng marijuana.


Dagdag pa ng PDEA sa kanilang #RealNumberPH5 datos may 1,156 drug dens ang sinalakay gayundin ang 19 clandestine laboratories.

Sa ngayon, 25,061 sa 42,045 barangays sa bansa ang idineklarang ‘drug-free, bukod sa 6,574 barangays na walang kaso ng paggamit o bentahan ng droga. Habang nasa 4,372 kabataan na sangkot sa illegal drug activities ang na rescue ng PDEA


Samantala may ulat na tinanggihan umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ang alok ni President-elect Bongbong Marcos na maging drug czar ng bansa. (VICTOR BALDEMOR)


Tags: Philippine Drug Enforcement Agency

You May Also Like

Latest News