28 LUGAR, INILAGAY UNDER COMELEC CONTROL

TATLONG araw bago ang gaganaping May 9, 2022 National and Local Elections ay inilagay under Commission on Election (COMELEC) control ang 24 na bayan at apat na lungsod sa buong bansa.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) spokesperson Police Col. Jean Fajardo, umakyat sa 28 lugar ang inilgay sa ilalim ng COMELEC supervision dahil may mga lugar kasi na na-upgrade mula sa red category partikular ang ilang areas of concern sa Bangsamoro Region.


Dahil dito, nabawasan din ang mga lugar na nasa red category na ngayon ay nasa 102 bayan at 14 na lungsod na lang.

Kabilang sa mga tinukoy na lugar na nasa Comelec control ngayon ang mga bayan ng Buluan, Datu Odin Sinsuat, Datu Piang, Mangudadatu, Pandag, Sultan Kudarat sa Maguindanao; mga bayan ng Maguing, Malabang, Tuburan at lungsod ng Marawi Sa Lanao del Sur; Misamis Occidental; at Pilar, Abra.

Isinailalim ang isang lugar sa Comelec control kapag may history ito ng matinding political rivalry, nagkaroon ng election-related violence at may seryosong banta ng private armed groups.


Samantala dalawang araw bago ang aktuwal na botohan ay umakyat din ang bilang ng mga naitalang election-related violence ng PNP

Sa datos ng PNP, nakapagtala na sila ng 56 na election-related incident sa buong bansa.


Pero ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo, 14 lamang dito ang validated election-related violence; 30 ang walang kaugnayan sa halalan habang 12 insidente pa ang iniimbestigahan.

Sa mga kumpirmadong election-related violence, apat ang naitala sa Ilocos Region, lima sa Central Luzon, tatlo sa Region 9 at tag-isa sa Region 10 at Cordillera Region.


Samantala, kamakalawa Mayo 5, nasa 3,013 na ang naaresto ng PNP dahil sa paglabag sa Comelec gun ban. Nakumpiska sa kanila ang 2,299 na mga armas.

Tags: Philippine National Police (PNP) spokesperson Police Col. Jean Fajardo

You May Also Like