Latest News

27 VIOLENT INCIDENTS, NAITALA NUNG ELEKSYON; AUTOMATED ELECTION SYSTEM, SINUBUKANG I-HACK

PINAPURIHAN nina National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. at Interior Secretary Eduardo Año ang Commission on Elections (Comelec) at ang mga ahensiya na nagbigay ng seguridad para sa halalan kabilang ang Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, Philippine Coast Guard at Department of Information and Communications Technology (DICT).

Ayon kay Sec. Esperon naging efficient ang sistema sa automated election system at naging napakabilis ang transmission at paglalabas ng resulta ng local elections.

Nilinaw din ni Esperon na maliit na porsyento lamang o wala pa sa 1% sa kabuuang bilang ng VCMs na nagkaroon ng aberya na ginamit sa kasagsagan ng political exercise.

Kaugnay nito binulgar din ng NSA na libu-libong attempts para ihack ang sistema subalit hindi aniya nagtagumpay ang mga ito sa kanilang hacking attempts.

Napigilan ng pamahalaan ang nasa mahigit 20,000 pagtatangka na i-hack ang automated system bago at sa kasagsagan ng May 2022 national at local elections sa bansa ayon kay national security adviser Hermogenes Esperon Jr.

Kaugnay nito sinabi nina Esperon at Año na maituturing pa ring generally peaceful ang nagdaang eleksyon 2022.

Hindi umano hamak na kakaunti ang naitalang election related incidents nitong 2022 elections kumpara nuong 2010 at 2016 elections ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo Año.

Ayon kay Sec Año, 27 ang naitalang insidente noong mismong araw ng halalan nitong May 9 na nagresulta sa pitong nasawi at 33 injury.Sa nabanggit na numero, 16 lamang ang kumpirmadong election related incidents base na rin sa validation & assessment ng mga otoridad.

Sinabi ng kalihim na sa 27 insidente noong halalan, 11 ang shooting incidents na nangyari sa Albay, Negros Oriental, Cotabato, tatlo sa Maguindanao, apat sa Lanao del sur, tig-iisa sa Basilan at Zamboanga del Norte.

tatlong grenade explosions ang naitala sa Cotabato at dalawa sa Maguindanao habang nagkaroon din ng dalawang insidente ng ballot snatching sa Lanao del Sur at Basilan.

Nakapagtala rin ng komosyon sa Maguindanao, Camarines Sur, Lanao at Tawi-Tawi.

Nagkaroon din ng pagpasok sa presinto o physical assault sa Batangas, Maguindanao at Abra, dalawang insidente ng strafing sa Basilan at pagsira sa vote counting machines sa Lanao del sur. (VICTOR BALDEMOR)

Tags:

You May Also Like

Most Read