Latest News

21 araw pagitan sa 1st at 2nd dose, mananatili… PINAS, DI SUSUNOD SA WHO

WALANG balak ang Pilipinas na sundin ang tagubilin ng World Health Organization(WHO) palipasin ang apat hanggang walong linggo bago bigyan ng 2nd dose ang indibiduwal na nabakunahan na ng 1st dose.

Sinabi ni Dr. Nina Gloriani, Chairman ng Vaccine Expert Panel na pananatilihin ng gobyerno ang 21 araw o tatlong linggong pagitan bago bigyan ng 2nd dose.

“We have to review the data that we have na kapag binigay after 8 weeks ay better ang immune response. Right now it is three weeks at least, or 4 weeks. We may have to get those data to make such recommendation but right now wala pang data sa atin,” ayon kay Gloriani.


Sinabi ng , WHO, ang mahabang pagitan ng doses ay mas magiging epektibo at mababawasan ang panganib ng myocarditis o pericarditis.

Gayunman,ipatutupad ang status quo hanggang matapos ang review ng Vaccine Expert Panel.


Nilinaw ni Gloriani na sinusunod ng Pilipinas ang maiksing pagitan para mabalanse ang epekto ng Omicron variant.

Naitala sa bansa ang mataas na kaso ng Omicron variant noong Enero kung saan.mas nataasan nito ang bilang ng mga kaso ng Delta variant noong 2021.


Nananatiling inirerekomenda ng Center for Disease Control and Prevention ang 21 araw na pagitan sa 1st at 2nd dose para sa mga batang may edad 5 hanggang 11.

Tags: Dr. Nina Gloriani

You May Also Like

Most Read