Latest News

200k health workers, kailangan ng DOH

Kinakailangang mag-alok ng mas malaking benepisyo at mataas na suweldo para mapunan ang may 200,000 kakulangan sa health workers sa bansa.

Ito ang inihayag ng Department of Health (DOH) kung saan lumalabas sa datos na kapos ng may 106,nurses ang bansa.


Ayon sa datos ng DOH, kailangan ng may 106,541 nurse, 67,345 doktor; 6,651 pharmacists; 5,502 x-ray Radiologic Technicians; 4,416 Medical Technologists; 1,680 Nutrionist-Dieticians; 884 Occupational Therapists;, 785 Midwives; 223 Physical Therapists at 87 na dentista.

Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, hindi masosolusyunan ang kakulangan ng pagpapatupad ng deployment cap.

“We’re proposing to amend the magna carta bill to cover both private and public workers. The second one will be a bill on the standardization of salaries. So ibig sabihin kung ano ang natatangap ngayon ng government workers public would also be received by the private workers,” ani Vergeire.


Ayon kay Vergeire, may mga ulat na naglakaroon ng internal migration ng health workers mula sa pribado na nagpupunta sa publiko dahil sa malaking pagkakaiba ng suweldo.

Sinabi ni Vergeire na makikipag-usap sila sa susunod na linggo sa Department of Migrant Workers para pag usapan ang posibleng mutual agreements.


“Makiki-ride on tayo to explore the possibility na yes we will be sending out our healthcare workers but in turn baka naman puwedeng merong scholarships, exchange programs para kahit papano puwedeng na magbe-benefit ang healthcare workers natin unang-una so that their career path would be maayos,” dagdag ni Vergeire sa isang press briefing. (Anthony Quindoy)


Tags: Department of Health (DOH)

You May Also Like

Most Read