Latest News

13 Pinoy evacuees mula Ukraine nasa Poland na

SINALUBONG kahapon ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr. sa Rava-Ruska-Hrebenne, ang boarding crossing station sa Poland ang 13 Pinoy na nilikas mula sa Ukraine.

Ang mga nilikas na Pinoy ay pinangunahan ni Philippine Ambassador to Poland Leah Basinang-Ruiz.

Matapos dumalo ang kalihim sa EU Ministerial Forum for Cooperation in the Indo-Pacific sa Paris, dumating ito sa Poland nitong Sabado ng hapon para ayudahan at salubungin ang unang grupo ng mga Pinoy na nilikas.


Kung saan sinamahan si Locsin ni Assistant Secretary for European Affairs Jaime Victor Ledda.

Ang mga nilikas na Pinoy patungong Poland ay bahagi ng programa ng DFA para tiyakin ang kaligtasan ng mga ito matapos maipit sa sigalot sa pagitan ng Ukraine at Russia.

“We are on high-alert 24/7 to ensure that Filipinos are safe in this conflict. Our Embassies in Poland and Hungary have been working hard these past days to account for each Filipino in Ukraine, and to repatriate them as soon as possible. Our people only need to ask, and we will get them home safe,” sabi ni Locsin.

Patuloy ang pagbibigay assistance ng DFA sa mga Pinoy na maiipit sa kaguluhan sa Ukraine, kung saan pinayuhan ang mga ito na maging alerto at kaagad makipag-ugnayan sa Philippine Embassy team sa Lviv o ang Consulate General sa Kyiv.


Ayon sa DFA ang mga Pinoy na nasa Ukraine na nais umuwi ay maaaring makipag-ugnayan sa Philippine Embassy sa Warsaw sa pamamagitan ng mga contact details nito Email: [email protected], Emergency Hotline: +48 604 357 396 Office Mobile Number: +48 694 491 663.

Yung nais naman ng repatriation assistance malapit sa mga border ng Moldova at Romania ay makipag-ugnayan sa Philippine Embassy sa Budapest sa pamamagitan ng mga contact details nito sa Hungary Budapest PE Emergency Hotline: +36 30 202 1760

Assistance-To-Nationals Officer: +36 30 074 5656 (mobile); +63 966 340 4725 (Viber).

Sa Moldova naman ay kay Consul Victor Gaina na ang Mobile number at WhatsApp: +37369870870, Email addresses: [email protected]; [email protected].


Maaari ding makipag-ugnayan ang mga ito sa DFA sa pamamagitan ng social media accounts: https://www.facebook.com/DFAPHL; https://www.facebook.com/OFWHelpPH.

Tags: Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr.

You May Also Like

Most Read