SA inilabas na update ng Philippine Army may pitong durog durog na katawan ng mga kasapi ng Daula Islamiya – Maute Group ang nakuha ng militar habang umaabot sa 45 high powered firearms at 5 kilo ng Shabu naman ang nasamsam matapos ang isinagawang air sortie ng Philippine Air Force at ground assault ng Philippine Army sa Maguing Lanao del Sur.
Sa pagsisimula ng month long Philippine Army 125 anniversary na may Temang: Kapayapaan Para sa Lahat inihayag ni Army commanding general Ltgen Romeo Brawner kasalukuyan pa nilang inaalam kung kabilang si Abu Zacariah, ang sinasabing new emir ng ISIS sa Southeast Asia sa pitong Islamic State terrorist na napaslang sa isinagawang pag-atake sa kanilang kuta sa bayan ng Maguing
Sinabi pa ni Ltgen Brawner, hindi na mauulit pa ang madugong Marawi siege na kumitil ng mahigit sa 100 tauhan ng pamahalaan.
Ayon kay Western Mindanao Command Chief Lt. Gen. Alfredo Rosario, Jr. bukod sa 45 crew serve at high powered firearms ay naka recovered din ang kanilang mga tauhan ng 22 Improvised Explosive Devices at ilang anti-personnel mines sa isinagawang pursuit operations kasunod ng close air support and combat operations na sinaagwa sa Barangay Ilalag, Maguing,
“Our troops averted and countered possible desperate attacks employed by the Daulah Islamiyah to inflict casualties not only to the armed forces but even the innocent civilians,” pahayag pa ng WestMinCom Commander.
Sinasabing may na recover ding na humigit kumulang sa limang kilo ng “Shabu” ang kanilang mga operating troops . “Drug abuse/addiction is one of the major social problems that often cause distress, conflicts, and to a greater extent, criminalities, and terrorism,” ani Lt. Gen. Rosario, Jr.
Nabatid na pinag aaralan na rin umano ng mga teroristang grupo ang paggawa ng rocket at mortars ammunitions.
Kinilala naman ni Maj. Gen. Generoso Ponio, Commander Joint Task Force ZamPeLan ang nasawing sundalo na si Private Clint Rey Armada, na kasamang sumalakay ng 51st Infantry Battalion na pinamumunuan ni Lt. Col. Payapaya, at 55th Infantry Battalion under Lt. Col. Villanueva, at iba pang supporting units. (VICTOR BALDEMOR)