NASUNOG NA BANCA 6 PATAY, ANIM NAKALIGTAS; PCG NAGSISIYASAT NA

By: Victor Baldemor Ruiz

MASUSING sinisiyasat ngayon ng Philippine Coast Guard (PCG) ang sanhi ng nangyaring pagkasunog ng isang fishing boat na ikinasawi ng anim na mangingisda sa Naga, Cebu.

Nirespondehan umano ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard ang mga mangingisda matapos na matanggap ang impormasyon hinggil sa nasusunog na bangka na nakita ng ilang residente na malapit sa pampang.


Bukod sa Coast Guard, rumesponde rin ang isang tugboat para maapula ang apoy, habang isinasalba naman ang anim na iba pang sakay ng banca, isa rito ay nagtamo ng third degree burns at nasa kritikal na kalagayan.

May anim na bangkay mula sa nasunog na FBCA King Bryan fishing vessel ang narekober ng Coast Guard hindi kalayuan sa pinagyarihan ng sakuna na nasa ilalim ng mga nasunog na bahagi ng banca.

Miyerkules ng gabi nang magsimulang lamunin ng apoy ang FBCA King Bryan na may sakay na 12 katao ayon sa initial report na nakalap ng PCG Sub-Station Naga na siyang nagsasagawa ng imbestigasyon.


Tags: Philippine Coast Guard (PCG)

You May Also Like