NASAWI SA LINDOL, UMAKYAT SA 11

UMAKYAT na sa 11 ang bilang ng nasawi i sa lindol na tumama sa Northern Luzon.

Batay sa pinakahuling ulat mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 11 na ang natalang patay sa lindol, 10 sa mga nasawi ay galing sa Cordillera habang isa naman ang sa Region 1.

Base sa latest situation report mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), mula sa 10 ay umakyat na sa 11 ang nasawi dahil sa lindol.


Ang pang-11 na nasawi ay isang 59-anyos na lalaki na mula sa Tubo, Abra na nagtamo ng brain injury dahil sa gumuhong bubong na gawa sa kawayan at may nakaibabaw na sako ng lupa.

Nauna nang iniulat ng NDRRMC na ang 10 nasawi ay mula sa Cordillera Administrative Region habang ang isa naman ay mula sa Ilocos region.

Samantala, nananatili naman sa 410 ang kumpirmadong nasaktan habang umakyat na sa 119, 730 na pamilya o katumbas ng 448, 990 ang indibidwal ang apektado ng lindol.

Samantala, iniulat naman ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na nasa kabuuang 2,650 aftershocks na ang naitala base sa datos kahapon August 5, 2022. (VICTOR BALDEMOR)


Tags: National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC)

You May Also Like

Most Read