Latest News

NASAWI SA DENGUE NGAYONG TAON, PUMALO NA SA 337

By: Philip Reyes

May 337 katao na ang naitalang nasawi sa dengue hanggang nitong Hulyo 17,2024 ngunit gayunman, sinabi ng Department of Health na mas mababa ito kumpara sa 378 na naitala noong 2023.

Ayon sa DOH, ang pagbaba ng ‘dengue deaths’ ay indikasyon na marami na sa mga mamamayan ang kaagad na kumukonsulta sa doktor at mas mahusay na ang case management ng mga pagamutan.

Nakapagtala umano ang DOH ng kabuuang 128,834 kaso ng dengue sa bansa (Morbidity Week 30) hanggang nitong Hulyo 17,2024 subalit habang patuloy na tumaas ang naitatalang kaso sa dengue ay bumaba naman ang bilang ng mga pasyenteng namatay dahil sa naturang sakit.


Ito umano ay 33% pagtaas kumpara sa 97,211 kaso lamang na naitala sa kaparehas na panahon noong 2023.

Ayon sa DOH, nakapagtala lamang sila ng 12,153 kaso noong Hunyo 16 hanggang 29 ngunit tumaas ito sa 18,349 kaso noong Hunyo 30 hanggang Hulyo 13.

Naobserbahan ng DOH ang pagtaas ng kaso ng dengue sa Western Visayas, Central Visayas, Cagayan Valley at CALABARZON, sa nakalipas na anim na linggo.

Tiiniyak naman ng DOH na patuloy silang gumagawa ng mga pamamaraan upang maprotektahan ang mga mamamayan laban sa W.I.L.D (Water-borne illness, Influenza-like Illness, Leptospirosis and Dengue) diseases na karaniwang nakukuha kapag tag-ulan.


Tags: Department of Health

You May Also Like

Most Read