NARTATEZ, WALA NANG VICTORY PARTY, TRABAHO NA AGAD

By: Jerry S. Tan

Una sa lahat, congratulations kay PLTGen. Jose Melencio Nartatez, Jr. sa kanyang pagkakatalaga bilang officer-in-charge ng Philippine National Police (PNP).

Siya ay na-appoint matapos alisin ni President Ferdinand Marcos, Jr., sa pamamagitan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, si Gen. Nicolas Torre III, na tatlong buwan lamang nanatilil sa puwesto matapos sumikat dahil sa pagdakip kina televangelist Apollo Quiboloy at dating Pesident Rodrigo Duterte.


Bagamat di sumipot si Torre, natuloy ang napaka-simpleng turnover ceremony ni Nartatez pati na din ang panunumpa sa tungkulin at pagpirma sa kanyang ‘assumption’ bilang OIC ng PNP. Pinasalamatan niya sa kanyang speech si Pangulong Marcos, Jr. pati na si Interior Secretary Jonvic Remulla at marami pang ipa. Pero di rin niya kinalimutang pasalamatan si Torre, “for streering PNP to what it is today.”

Sa katunayan, sinabi niya na itutuloy ng kanyang pamunuan ang ‘five-minute response time’ na una nang ipinatupad ni Torre. Ikinaila din niya na may away sila ni Torre o may krisis sa PNP dahil sa mga kaganapan.

Bago maging OIC ng PNP, marami na rin namang hinawakan na puwesto si Nartatez kaya hinog na hinog na talaga ito.


Bukod sa pagiging direktor ng National Capital Region Police Office (NCRPO), regional director of Calabarzon police at Ilocos Norte provincial police chief ay nagsilbi din sa Finance Service sa Camp Crame si Nartatez.

Naging director for comptrollership and intelligence din siya, bukod pa sa naging member ng elite PNP Special Action Force at maging ng Criminal Investigation and Detection Group.


Nitong nakalipas na taon ay hinawakan naman niya ang puwesto ng Deputy Chief for Administration na pangalawang pinakamataas na puwesto sa PNP.

Sa ngayon, ibabalik na daw ni Nartatez ang 12 opisyal na ni-reshuffle ni Torre, na sinasabing dahilan kung bakit nasibak si Torre. Di daw kasi ito dumaan o sumunod sa tamang proseso, gaya ng pagdaan sa Napolcom at tumangging bawiin ang kanyang mga order sa kabila ng mga pagpapayo sa kanya.


Maliwanag na para kay Nartatez, siya ay handang sumunod sa mga namumuno at sa mga ligal na utos sa kanya ng mga nakatataas.

Hindi nag-aksaya ng oras si Nartatez dahil pagkatapos manumpa sa tungkulin ay nag-umpisa na kaagad itong magtrabaho, na parang normal na araw lang ang naganap.

Sa katunayan, sinabi niya na wala nang victory party pa na mangyayari. Ayos, di po ba???



Muli, congrats PBGen. Nartatez at kasama kami sa mga nagdarasal na maging matagumpay ang iyong panunungkulan.

***

Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon.

Tags: double tap, jerry s. tan

You May Also Like