DAAN-DAANG libong ang patuloy na lumuluha ngayong Valentine’s Day simula pa nung nakaraang taon dahil sa pagkamatay ng may 22,700 katao, kaya sinusuportahan ng isang grupo dito sa Pilipinas ang panawagan na itigil na ang digmaan sa Gaza.
Ayon sa Stop the War Coalition-Philippines, nasa isang porsyento ng 2.27 million population ng Gaza ang naglaho: ‘The wounded and the dead are disproportionately women (5,300) and children (9,000).”
Sinasabing isa sa bawat 120 bata sa Gaza strip ang napatay dahil sa giyera sa pagitan ng Israeli soldiers at ng militanteng grupo ng Hamas, sapat para isakay ang mga bangkay sa 177 buses na may 72 bata kada bus.
Pinangangambahan umano ng coalition ang plano ng Israel na salakayin ang mga nalalabing safe area sa Gaza na kinaroroonan may 1.2 million refugees kaya makikiisa sila sa gaganaping Global Day of Action sa Sabado na layuning matigil ang war crimes at apartheid na ginawa ng Israel laban s mamamayan ng Palestine.